Hi, I'm Jesse and I love coffee, tea, chocolates, and pancakes.
January 31st
5:52 PM
"

Ang daling gawing battlecry ang “press freedom” sa tuwing aakalain mong naaagrabyado ang iyong panulat. Subalit naiintindihan mo ba talaga ang kalayaang ito?

Huwag isipin na dahil binigyan ka ng pluma ay maaari mo na lamang itong gawing punyal na itutsok mo sa balat ng sinumang pumikon sa’yo.

Hindi dahil may bendisyon ang iyong laway ay maari mo na lamang duraan ang sinumang sasaway sa’yo.

Tanungin muna ang sarili: karapat-dapat ba akong humawak nitong pluma na simbolo ng kalayaang lagi’t laging ipinaglalaban at binabantayan?

Huwag maging katulad sa isang hangal na nangangampanya para sa edukasyon gayong hindi naman pumapasok sa klase at tila walang pagpapahalaga sa perang pinaghirapang trabahuin o utangin ng kanyang mga magulang.

Huwag maging isang malaking elepante ng kabalintunaan na komokontra kuno sa komersiyalismo pero kung makalamon naman ng quarter-pound cheeseburger meal sa isang mapanupil na fastfood ay parang bibitayin, at hilig pang i-upsize ang fries at drinks.

Huwag magtago sa mga salitang “aktibismo” at “press freedom” kung hindi mo batid ang hamon ng mga salitang ito.

Kung susulat ka, sumulat ka ng isang responsable at may dignidad na punto-de-bista upang malinaw na maipabatid kung kanino man ang iyong kuro-kuro o protesta, hindi sa pamamagitan ng isang mala-Cristy Fermin na blind item na kunwari ay isang matalinong lampoon. Alamin ang kinaiba ng isang matalinong pamamahayag sa isang walang-taste na tabloidismo.

Napakaraming mas mahahalagang isyu. Nasayang lamang ang kakarampot na espasyo na ginugol mo para sa iyong inakalang “exercise of press freedom”. Sana’y iniukol na lamang ito bilang panawagan para sa isang estudyanteng nagpapatulong maghanap ng sponsor sa kanyang pag-aaral.

"
—  ~Sir Arjay Arellano